Photo via Freedom Lemon Fb page Ang Lemon ay sinasabing isa sa mga linyada na sumikat sa Pilipinas. Sa paglipas ng panahon,...
![]() |
| Photo via Freedom Lemon Fb page |
Ang
Lemon ay sinasabing isa sa mga linyada
na sumikat sa Pilipinas. Sa paglipas ng panahon, ‘di pa rin kumukupas ang husay
ng Lemon. Ito na rin ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy pa rin itong
pinapalahi ng marami ng breeder. May mga naniniwala na tila kulang ang pagiging
breeder mo kapag wala kang Lemon sa iyong manukan.
Ang
Lemon ay pinaniniwalaang nanggaling kay Duke Hulsey. Ito ay nang dalhin niya
ito sa Pilipinas nang minsan siyang maimbitahan ng pamilya Araneta na sumali sa
kanilang international derby. Buhat noon ay unti-unti nang kumalat ang Lemon.
Ilan lang sa mga nakilala ay ang Lemon 84 ni Paeng Araneta, Lemon Gwapo ni
Mayor Juancho Aguirre, Lemon Batchoy ni Batchoy Alunan at iba pa.
Kung
kilala mo si Jeff Gamulo ng Cardona, Rizal, marahil ay pamilyar ka sa kanyang
Freedom Lemon na nagsisilbing signature line sa kanyang manukan. Pinalanganan
niya itong ganito dahil naniniwala siya na sa sabong ay mayroong kalayaan.
Malaya kang gawin ang gusto mo, maging sa pagpapalahi man o sa paglalaban.
Malaya kang pumusta kung magkano lang ang gusto mo.
![]() |
| Photo via Freedom Lemon Fb page |
Noon
pa mang nagsisimulang mag-breed si Jeff ay talagang mahilig na siya sa Lemon .
Ninais niyang magkaroon ng sariling strain para magkaroon nang pagkakakilanlan.
Kaya naman naisipan niyang idebelop ang Lemon total talagang napukaw ng Lemon
ang kanyang interes.
. Iba-iba
ang pinanggalingan ng Lemon ni Jeff. Ang
una niyang Lemon ay galing kay Cito Alberto. Nagkaroon din siya ng Lemon galing
kay Batchoy Alunan na inihalo niya sa Lemon ni Cito Alberto. Nakakuha rin siya
ng Lemon 84 na peacomb mula kay Peping Ricafort. Bukod pa rito ay nakakuha pa
siya ng Lemon mula kina Lancey Dela Torre, Nonong Faber at Joe Laureno. Ang mga
nabanggit na Lemon ang pinaghalu-halo niya para mabuo ang kanyang Freedom
Lemon. Kumbaga, ginawa niya lang iisang strain ang mga Lemon na nakuha niya.
Bukod
sa Freedom Lemon ay nakilala rin si Jeff dahil sa kanyang Brassback. Galing
diumano ito sa ordinaryong Lemon na inihalo niya sa Husey na nanggaling kay
Lancey Dela Torre. May isa rin siyang kaibigan na nabigyan niya ng Freedom
Lemon na may naging supling na Brassback. Buhat noon ay kumalat na ang Brassback sa kanilang lugar. O, ‘di ba’t Lemon pa rin ang pinag-ugatan ng kanyang
Brassback?
Tunghayan ang naging panayam kay Jeff ng kaibigan natin sa sabong media na si Cesar Tordesillas hinggil sa Lemon:


COMMENTS