May mga taong ayaw ng kulay itim dahil sumisimbolo ito sa kadiliman o ‘di-kaya’y kamat...
May mga taong ayaw ng kulay itim dahil sumisimbolo ito
sa kadiliman o ‘di-kaya’y kamatayan.’Di ba’t kapag may nakikitang pusa na kulay
itim ay sinasabing malas. Pero siyempre, para sa iba paborito nila ang kulay na
ito dahil maganda itong tingnan. ‘Ika nga, black is elegant o black is beautiful.
Kung
manok ang pag-uusapan, ayaw ng ibang sabungero ang itim dahil para raw itong laging
natutulog sa laban. Pagkatapos naniniwala rin sila na malabo ang pangin ng itim
na manok. Marahil ay dahil na rin sa kulay ng mata nito.
Pero
kung may mahilig sa putting manok, siyempre ay mayroon ding mahilig sa itim na
manok. Para sa kanila, mas maganda kung susubok din ng ibang kulay. Marami na
kasing mga sabungero ang nakilala sa pulang manok. Kaya nga’t ang iba ay
gustong makilala sa ibang kulay. Sa madaling salita ay gusto naman nilang maiba.
Base
sa tala, ang itim na manok ay nagmula sa Sumatra Forlw at Brown Red. Inihalo na
lang ito ng mga breeder sa iba pang dark fowl. Pinangalanan na lang nila ito
alinsunod sa kani-kanilang mga pangalan.
Ilan
lang sa mga sumikat sa Black ay ang Amerikanong breeder na si Mel Sims.
Maraming breeder ang nagpapalahi ng kanyang Mel Sims Black. Nagustuhan nila ang
manok na ito dahil malakas pumalo. Hindi tinitigilan ang kalaban, lalaban at lalaban
hangga’t kaya pa nito.
Maging
ang yumao nang breeder na si Richard Bates ay nakilala rin dahil sa kanyang
Black. Ang manok niyang ito ay may dugong Hatch at para ring Butcher kung
lumaro. Maangat ito at talagang ibinibigay ang makakaya sa laban.
Sumikat
din ang Black Bonanza ni Jerry Douglas. Multiple shuffler ang manok na ito at
masyadong agresibo. Kaya’t ang ginawa nila ay inihahalo nila ito sa manok na
kalmado lang para maging balanse ang characteristic. Kumbaga, nababawasan ang
pagiging agresibo. Mag-iisip muna bago magpakawala ng palo sa kalaban.
Nakilala rin ang Black McRae ni William McRae. Ang
manok na ito ay three-way cross ng Shelton Black Roundhead, Kent Mug at 1/8 Blue
Hatch. Namayagpag ito sa sabong sa US noong mga dekada 60 hanggang 80. Kilala
ang manok na ito sa pagiging single stroker. Paisa-isa lang pumalo, pero kapag
tumama ay may tiyak na may paglalagyan ang kalaban.
Dito
naman sa Pilipinas, nakilala ang DVH and Sons Gamefarm dahil sa kanilang Black.
Una itong pinalahi ni Danilo Hinlo, ama ni Dante Hinlo. Inihahalo nila ito sa
Hatch at Roundhead. Marami na itong naibigay na kampeonato sa kanila at
hanggang ngayon ay patuloy pa rin na maganda ang ipinapakitang performance.
Nakilala
rin ang Mariano Brothers na sina Lino at Tol Mariano dahil sa kanilang Black.
Ang kanilang Black ay tinatawag na Tupi Black o Matutum Black alinsunod sa pangalan ng kanilang lugar. Ang
manok nilang ito ay nakuha nila mula kay Mayor Ed Lumayag. Nagustuhan nila ito
dahil mautak. Magaling umilag at ‘di basta-basta sumusugod sa kalaban.
Banggitin
na rin natin si Manny Dalipe na nakilala naman dahil sa kanyang Zamboanga
Black. Parang Zamboanga White ni Boy Primallion ba ang tunog? Huwag magtaka dahil
doon talaga ito ibinase ni Manny ang pangalan ng kanyang manok . Naging
mag-partner kasi sila noong araw ni Boy. Eh, mahilig siya sa itim na manok kaya’t
nagdebelop siya ng sarili niyang linyada. Ang kanyang Black ay may dugo ng
Blueface Hatch, Gilmore Hatch at Leiper Hatch. Hanggang ngayon ay nagpapakitang
gilas sa ruweda ang manok niyang ito.
Para
sa mga Black breeder, wala namang pinagkaiba ang itim na manok sa iba pang
kulay. Nataon lang na ganitong kulay ang nagustuhan nila.Yamang ang kagandahan
naman ng manok ay nasa tumitingin. Isa pa, subok na nila ang kanilang palahi
kaya nga’t ipinagpapatuloy nila itong paramihin.
COMMENTS