Muli na namang isasagawa ang isa sa pinakamalaki at pinakamatagal nan...
Muli na namang isasagawa ang isa sa pinakamalaki at
pinakamatagal nang prestihiyosong sabong sa bansa. Magtatagisan dito ang mga
kilala at bigating breeders hindi lamang sa Pilipinas kundi na rin sa iba pang
panig ng mundo gaya ng United States, Kuwait, Malaysia, Indonesia at iba pa.
Ang
2018 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby ay gaganapin ay gaganapin mula
January 29 hanggang Feb. 7 sa may Smart Araneta Coliseum. Hosted ito ng
Pintakasi of Champions.
Ang
World Slasher Cup ay itinuturing na ‘Olympics of Cockfighting’ kaya’t maraming
sabungero na nangangarap na magkampeon dito. Isinasagawa ito dalawang beses sa
loob ng isang taon, kada-January at May o June.
Sa
paglipas ng panahon, marami-rami na ring nagkampeon dito. Ilan lang dito ay
sina Biboy Enriquez, Patrick Antonio, Ed Apari, Atty. Art de Castro, Engr.
Sonny Magtibay at iba pa.
Sa
darating na 1st edition ng WSC, sino kaya ang magwawagi? ‘Yan ang
dapat nating abangan…


COMMENTS