Isang lalaki ang nalunod matapos na tangayin ng baha. Nangyari ito sa kasagagan nang pananalasa...

Isang lalaki ang nalunod matapos na tangayin ng baha. Nangyari ito sa kasagagan nang pananalasa ng bagyong Urduja sa may Iriga, Camarines Sur.
Nakunan pa ng video ang pagkatangay ng lalaki sa rumaragasang tubig. Makikita sa video na ilang ulit pang sinubukan ng lalaki na makaalpas sa tubig at tumayo. Pero dahil sa lakas ng agos ng tubig ay ‘di na nasaklolohan pa ito ng mga nakakita sa pangyayari.
Ang biktima ay kinilalang si Apolonario Dasig. Natagpuan na lang ang labi ni Dasig na nakasabit sa mga halaman.
Ayon sa kapatid ng biktima, pinilit na lumusong ni Dasig na lumusong sa tubig para makauwi ito ng kanilang bahay. Inaalala niya kasi ang kanyang mga manok-panabong dahil sa malakas ang ulan. Pinigilan siya ng kanyang mga kasama na huwag nang tumuloy, pero sadyang ‘di nagpaawat si Dasig.
Source: GMA News
Panoorin ang video:
COMMENTS