Karaniwan na lang ngayon na makakakita ka ng puti sa sabungan. Sa mga farm, ginagawa ni...
Karaniwan na lang ngayon na makakakita ka ng puti sa
sabungan. Sa mga farm, ginagawa nilang pangulay para ‘di manibago ang manok
nilang pula kapag may nakakaharap na puti sa sabungan. Kapag ‘di kasi sila
pamilyar dito, maaaring kumikig pa ang manok nila, sa pag-aakalang babae ang
kaharap. Dahil dito, posibleng maunahan ng palo ng puti ang pula.
Pero
dati-rati, ‘di gaanong ginagawang panlaban ang manok na puti. Iniisip kasi ng
mga sabungero noon na para lang itong native chicken o pangkatay lang. Pero
nag-iba ang paniniwala ng mga sabungero nang sumikat noong dekada ‘ 80 ang Zamboanga White ni Boy Primallion. Gumawa
kasi ito ng pangalan o kasaysayan sa larangan ng sabong nang magpapanalo ang
manok niyang ito.
Sa isang panayam kay Boy, sinabi niya na ang
kanyang puti ay galing sa pulang manok. Naniniwala siyang throwback ito mula sa
linyadang Whitehackle. Ang manok niyang ito ay ayaw mag-perform kapag kanyang
ibinibitaw. Pero ibang klase naman diumano kung maglaro sa ruweda dahil mautak
at talagang napakagaling umilag. Kung
kaya’t nagpasya siyang paramihin ito. Maging ang mga naging supling din ng
kanyang puti ay ganun ding maglaro. And the rest is history, ‘ika nga.
Nang
sumikat ang Zamboanga White ni Boy, dito na rin nag-umpisa na maglaban ng mga iba
pang off-colored ang maraming sabungero gaya ng gold, abuhin, grey, hennie at
iba pa. Marahil ay naisip nila na wala naman sa kulay ng manok kundi nasa dugo
ito. Puwede naman kasing i-cross ang puti sa pula. Kumbaga, kulay lang naman
ang naiiba at hindi ang mismong performance. Magtatalu-talo na lang sa
pagdating sa kung paano ihanda ang manok.
| Charlie Cruz |
Ilan
lang sa mga sikat na breeder na nagpapalahi ng puti ay si Charlie Cruz ng
Candice Jean Gamefarm. Mayroon siyang puti na tinatawag na Slim Benoist Silver
Bullet line sa kanyang manukan. Maganda rin ang performance nang nasabing manok.
` Nariyan
din si Art Lopez ng ARL Gamefarm, kilalang-kilala ang palahi niya na White
Hatch at White Kelso. Ayon sa mga nakasubok na sa bloodline ni Art, malalakas
itong pumalo. Medyo angat-sarado, pero marunong ding mag-break sa baba.
| Biboy Enriquez |
Maging
ang tinaguriang Kelso Man of the Philippines na si Biboy Enriquez ay mayroon
ding mga manok na puti. Ilang beses na rin silang nagkampeon sa mga pasabong
gamit ang kanilang mga puti. Minsan nang tinawag ang manok niyang ito na Robie
White dahil naging paborito ito ng kanyang farm manager at mananari na si Robie
Yu Panis. Pero itinigil na rin nila ang ganitong katawagan dahil marami ang
nagkakamali na halaw ang pangalan na ito mula sa Amerikanong breeder na si
Robbie White.
Puti
na lang din ang pinag-uusapan, banggitin na natin ang pamilya Plaza na may
tinatawag na White General. Binansagan nila itong ganito dahil mala-heneral ang
tindig ng manok nilang ito. Kumbaga ay machong-macho o lalaking-lalaki. Nanggaling
ang manok na ito sa isang backyard breeder mula sa Butuan. Ang nakakuha ay si
Mayor Democrito “Boy Daku” Plaza. Ang White General ay throwback ng Joe Zannino
White pagkatapos ay dinebelop na lang ng mga Plaza. Sumikat nang husto ang
White General nang manalo sa BAKBAKAN at World Slasher Cup ang ilan sa mga
miembro ng pamilya Plaza.
Marami
pang mga malalaking breeder ang nagpapalahi ng puting manok sa kanilang farm. Hahaba
lang ang listahan kung iisa-isahin pa. Pinapatunayan lamang na sadyang may
taglay na husay ang manok na puti. Dahil kung hindi ay wala nang maglalaban ng
ganitong manok. Hindi nga lang natin maiaalis sa ibang sabungero na naniniwala
sa pamahiin na may araw na malas kapag maglalaban ng puti o iba pang kulay ng
manok. Pero para sa mga White fanatics, kahit ano’ng araw ay puwede naman nilang ilaban ang
kanilang manok. Kabisado nila kasi ang kanilang panlaban dahil sila ang
nag-aalaga at nagkukundisyon dito.
Ano
kasabong, larga na… sa pula, sa puti!
COMMENTS