Dalawang entries ang itinanghal na kampeon sa katatapos lang na PFGB DIGMAAN 11-...
Dalawang entries ang itinanghal na kampeon sa
katatapos lang na PFGB DIGMAAN 11-Stag Derby. Ang grand finals ay ginanap sa Smart Araneta
Colisem nitong Dec. 18 kung saan ay 67 entries ang naglalaban-laban para
makamit ang kampeonato. Sa kabuuan, nilahukan ito ng 6,085 entries.
Ang
unang entry na nagkampeon ay ang RJP JAHSH AAA ni Ronan Palalisan ng DUGBA. Ang
sumunod naman ay ang PRINCESS OPRAH Oct.
20 5-Stag LCA ni Momoy Adams. Pareho silang nakakuha ng 11 perfect score.
Ang
DIGMAAN derby ay may guaranteed prize na 60 million pesos. Twenty four (24)
million pesos ang nakalaan dito para sa nagkampeon at may kassama pang 1 brand
new ford ranger XLT 4x2 para sa fastest win. Ang nasabing sasakyan ay
nagkakahalaga ng mahigit 1.2 million pesos. Ang tropeo ng DIGMAAN ay gawa ng
metal artist na si Xandro Castrillo.

COMMENTS