Photo via Pinterest Maraming mga sabungero ang nag-aalaga ng manok na Gold. Pangkaraniwan na lang kasi ang pulang manok kay...
![]() |
| Photo via Pinterest |
Maraming
mga sabungero ang nag-aalaga ng manok na Gold. Pangkaraniwan na lang kasi ang
pulang manok kaya’t dapat ay may off-colored naman. Kung ang iba, ginagawa lang
itong pangulay sa kanilang farm para masanay ang kanilang manok kapag nakaharap
ang ganitong kulay. Pero mayroon din namang mga breeder na ito na ang
pinaka-foundation line sa kanilang manukan.
Pinaniniwalaang
ang Gold ay nagmula sa manok na Birchens o Gingers. Ang Gingers ay inihahalintulad sa Redquills
na medyo may pagka-dark. Tinatawag din ito na Ginger Reds. Kung ilalarawan, ang
manok na ito ay may pagka-yellow o ‘di-kaya’y gold ang balahibo. Malapad din
ang kanilang balikat at straight comb sila. Pagdating sa fighting style,
mayroon silang gameness at magaling din ang cutting.
Ilan
sa mga sabungerong Ingles na nakilala noong araw na naglalaban ng manok na
ganito ay sina Lord Derby, Sketchley, Lord Mexborough at iba pa.
Samantala,
tinawag naman ng mga Amerikanong sabungero ang gold na manok na Pumpkin base na
rin sa kulay nito. Nakilala si EH Hulsey na nagdebelop ng ganitong manok at
ipinangalan pa ito sa kanya kung kaya’t tinawag ito na Pumpkin Hulsey. Bukod
kay EH Hulsey ay nakilala rin si Charley Babb na nagpapalahi ng Gold. Ang sa
kanya naman ay tinawag na Babb cock.
Sinasabing
ang Pumpkin ay nagsimula sa Ireland, crosess ito ng Gilman Grey at ng
Herrisford Brown Red. Mas una itong nakilala
bilang Birchen o Yellow Brichen. Kulay brown ang dibdib nito at mayroong
pagkakahawig sa puno ng Birtch Tree kung kaya’t tinawag na Birtchen.
Mayroong
mga nagsasabi na ang Gold na nasa atin ay galing kay Duke Hulsey. Ayon sa mga
kuwento, nang dumating siya sa Pilipinas ay may mga dala siyang manok na ganito
ang kulay. Nabahaginan niya ng kanyang manok ang ilang mga Pilipinong breeder.
Dito
sa Pilipinas, ilan lang sa nagpapalahi ng Gold ay ang tinaguriang ‘reyna ng
sabong’ na si Osang Dela Cruz. ‘Di ba’t ang farm pa niya ay tinawag niyang
Goldquest Champions? Marahil ito ay dahil na rin sa kanyang hilig sa manok na
Gold.
Mahilig
din sa Gold ang breeder na si Bernie Tacoy ng Ormoc Gold. Ang manok niyang ito
ay nagmula sa manok na kakatayin na sana. Nakuha niya ito mula sa kanyang
tiyuhin. Ipinares niya ito sa broodcock na Jumper Kelso. Nakapagprodyus siya ng
labing-apat na lalaki. Nang ilaban niya ang mga ito ay trese ang nanalo. Bukod
sa Johnnie Jumper Kelso, inihalo niya rin ang kanyang Gold sa manok na nakuha
niya mula kay Lope Durado. Ayon kay Bernie, magandang i-cross ang Gold sa kahit
ano’ng inyada. Nagustuhan niya ang manok na ito dahil mautak at walang
sinasayang na sandali kapag nakikipaglaban.
Nariyan
din si Michael Decena ng Palawan Gold. Ang kanyang Gold ay throwback ng Lemon
na nanggaling kay Bob Cuenca. Ipinagmamalaki niya ang kanyang mga manok na Gold
dahil ito ang nagbigay sa kanya ng maraming panalo sa sabong. Isa pa, dito na
siya nakilala kung kaya’t pinarami niya ito sa kanyang manukan. Ayon kay
Michael ay mautak ang manok niyang ito. Magaling tumiyempo at ‘di basta-basta
nagpapauna sa kalaban. Nagustuhan niya rin ito dahil magaling mag-cut. Kung
kaya’t ano pa ba ang hahanapin niya sa Gold? Katunayan ay nasa 90% ang manok na
ganito ang kulay sa kanyang farm.
![]() |
| Renegade Gold |
Ang
isa pang kilalang breeder na nagpapalahi ng Gold ay ang World Slasher Cup
champion na si Rene Adao ng Renegade Gamefarm. Ang kanyang Gold ay inihahalo
niya sa Kelso na nagsisilbing foundation line sa kanyang manukan. Nagustuhan
niya ang Gold dahil malakas itong mamalo. ‘Yung tipong kapag tinamaan ang
kalaban ay may paglalagyan ito. Nang magkampeon siya sa World Slasher Cup 2014
ay may isa siyang Gold na nagamit. Masaya si Rene dahil nababalitaan niyang
nagpapanalo rin sa sabong ang ilang mga nakakuha sa kanya ng Gold.
Ikaw kasabong, may Gold ka na rin ba sa iyong
manukan?


COMMENTS