Simula nang mauso ang mga grupo sa Facebook ay parang kabuteng nagsulputan ang iba’t ibang mgaa grupo. Mamimili ka na lang k...

Simula nang mauso ang mga grupo sa Facebook ay parang kabuteng nagsulputan ang iba’t ibang mgaa grupo. Mamimili ka na lang kung saan mo gustong sumali. Siyempre, kung sabungero ka, ang hahanapin mo ay ang grupo ng mga sabungero para makapulot o makipagpalitan ng mga kaalaman. Ang iba, kaya sumasali rito ay para ma-show case o makabenta ng palahi nilang manok. Ingat nga lang dahil maraming mga bogus na nagkalat sa FB groups.
Kung nais mo namang matutong magtari, ano pa nga ba’t ang hahanpin mo ay ang grupo ng mga mananari. Nirirekomenda naming na sumali sa New Art of Gaffing na pinamumunuan ni Jake Quintana. Layunin ng grupong ito ang makapagbahagi ng kaalaman hinggil sa pagtatari. Kahit ano’ng klase ng asinta ay pasok ka rito.
Ang maganda sa NAOG, hindi lang sila hanggang Facebook dahil paminsan-minsan ay nagkikita-kita sila para magsagawa ng tari workshop kung saan ay one-on-one ang ginagawa nilang pagtuturo para nga naman mas matuto ang mga interesadong magtari.
COMMENTS