Ang bawat magmamanok ay may kaniya-kaniyang teknik o istilo sa pagkukundisyon ng manok. Siyem...

Ang bawat magmamanok ay may kaniya-kaniyang teknik o istilo sa pagkukundisyon ng manok. Siyempre, ipini-precon muna natin ang manok para maging handing-handa na sila. Karaniwan na umaabot ng 21 days ang pagkukundisyon ng manok bago ilaban. Sapat na ang panahon na ito para ma-training ang manok-panabong. Pero sabi ng iba, kapag mas matagal ay mas maganda dahil talagang ready nang sumabak ang manok sa laban.
Kung si Biboy Enriquez ng Firebird Gamefarm ang tatanungin, ‘di na nila sinusunod ang nakagawian ng 21 days conditioning. Dinagdagan lang naman niya ng apat na araw kaya’t naging 25 days. Subok na niya ang ganitong sistema sa kanyang farm at itinuturo pa niya ito sa iba. Mabuti pa ay alamin natin kung bakit ginagawa ito ni Sir Biboy.
COMMENTS