Katatapos lang ng undas, maraming tao sa buong mundo ang nagsipaggunita ng kanilang mga yumaong mahal...

Katatapos lang ng undas, maraming tao sa buong mundo ang nagsipaggunita ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Siyempre, naging kabi-kabila rin ang pagdiriwang ng Halloween kung saan marami ang nag-costume ng mga nakatatakot. Aba'y hindi rin nagpahuli ang mga magsasabong d'yan kung paastigan lang naman ng costume ang pag-uusapan.
Sa mga videos na ibinagi ng Facebook user na si Iz Nho Gud, makikita na naka-costume pa ang ilang mga sabungero na naglaban-laban sa San Roque Cockpit Arena. Mistulang naging Gabi ng Lagim ang eksena sa ruweda. Talaga namang naging buhay na buhay angbawat sandali sa kanilang mga costume na pamatay. Mayroong tila si Kamatayan na mayroon pang pakpak na itim, mayroon ding nakapamburol ang suot, may satanas, paring pugot ang ulo at iba pa.
Patunay lang ang mga tagpong ito na napakasaya talaga ng sabong sa Pilipinas dahil 'di nauubusan ng gimik ang management ng sabungan o promoter ng laban. Doble saya ang iyong makukuha 'ika nga.
Panoorin ang video:

COMMENTS