‘Di maikakaila na sa modernong panahon na ito ay marami pa ring mga taong naniniwala sa pamahiin. Naging tradisyon na kasi ito at naman...
‘Di maikakaila na sa
modernong panahon na ito ay marami pa ring mga taong naniniwala sa pamahiin.
Naging tradisyon na kasi ito at namana pa natin sa mga nakatatanda o sa ating
mga ninuno. Siyempre, kahit sa sabong ay mayroon din nito. Marahil marami ka nang
narinig na pamahiin tungkol sa sabong. Pero narinig mo na ba ang tungkol sa
suwerteng dulot ng kidlat sa mga magsasabong?
Naikuwento sa amin ng
kasabong na si Mario Aguason Paris, isang engineer at business man na nakabase sa
East Timor. Nagbabakasyon siya sa Pilipinas nang amin siyang puntahan sa
kanyang farm sa may Calasiao, Dagupan. Nabanggit niya na kapag tinamaan daw ng
kildlat ang puno ay maaari itong gamitin para sa iyong manukan.
Ayon sa kanya, minsan
ay tinamaan ang puno ng santol ng kidlat sa kanyang manukan. Agad niyang
pinag-utos sa kanyang kasamahan na putulin ang puno ng santol at gawin itong
kulungan. Nang gawin daw niya ito ay naging sunud-sunod ang kanyang panalo nang
maglalaban siya noon sa sabungan ng Kaybiga. Sadyang naging napakahusay ng
kanyang manok dahil para itong kidlat sa bilis. Doon niya napatunayan sa
kanyang sarili na totoo pala ang pamihiin na kanyang narinig. Hindi lang ito
isang isang beses nangyari sa kanya kundi dalawang beses, ang sumunod naman ay
puno ng manga ang tinamaan. Gaya nang dati ay pinaputol niya uli ito at ginamit
para sa kanyang manukan tapos sinuwerte uli siya sa laban.
| Ang binansagang Chicken Engineer ng East Timor na si Mario Aguason Paris |
Marahil para sa iba na
mahirap paniwalaan ang mga pamahiin sa sabong. Dahil mas naniniwala sila sa
siyentipikong pamamaraan sa pagmamanok o pagsasabong. Pero wala namang masama
na maniwala sa ganito. ‘Ika nga ay kanya-kanya lang ‘yan ng kagustuhan. Sa salitang
kanto, ‘walang basagan ng trip’. Eh, kung may dulot naman itong suwerte para sa
mga naniniwala? Yamang ‘di naman nila inaaasa lahat sa pamahiin ang kanilang
pagmamanok para manalo sa laban. Sinasamahan din nila ito ng pagtingin sa
bloodline ng manok at matinding pagkukundisyon ng manok.
Ikaw, kasabong ano ang
pinapaniwalaan mong pamahiin?
Narito ang iba pang kuwento ni Mario tungkol sa pamahiin...
Narito ang iba pang kuwento ni Mario tungkol sa pamahiin...

COMMENTS