Matagumpay na naidaos ang katatapos lang na 2017 World Pitmasters Cup Master Breeders 2 9-Stag International Derby. Gaya nang mga naun...
Matagumpay na naidaos
ang katatapos lang na 2017 World Pitmasters Cup Master Breeders 2 9-Stag International Derby. Gaya nang mga
naunang Pitmasters, sinalihan ito ng mga bigating breeders sa bansa pati na rin
ng ilang mga dayuhan. Kaya naman naging
masigla ito at masigla at lalong sumisikat dahil na rin sa dami ng mga
nagsi-share ng video ng mga laban sa social media.
Ang Pitmasters Cup ay ginanap sa may Newport Performing Arts
Theather, Resort World Manila mula November 16 hanggang 25. Mayroon itong guaranteed
prize na 15 million pesos.
Sa grand finals ay
nagkaroon ng 102 fights. Sa mga ito, apat na entries ang itinanghal na kampeon
na pawang nakakuha ng 8 points. Ang mga ito ay ang R Star RJM (Rj Mea/Boyet/Grace
Sison), Hillicapvilli (Larry Villacorte), San Roque BB2 (Muroy Dolorico) at Lieteros
VMP San Isidro (Glenn Adao/ Vladimir Palis). Sa mga ito, si Muroy Dolorico ng
San Roque BB2 kasama sina Joey at Boboy Delos Santos ay naging solo champion na
sa Pitmasters 1.
Ang pasabong na ito ay pinanungunahan
nina Chalie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddie Bong Plaza
at Rj Mea, sa pakikipagtulungan nina Eric Dela Rosa at Ka Lando Luzong ng All
Angles Media Corp. Inisponsoran naman
ito ng Thunderbird, Resort World Manila, Sagupaan Superfeeds, Vio-Plus at ng
Excellence Poultry and Livestock Specialist.


COMMENTS