Pinag-uusapan ngayon ng sabong community ang isang sultada sa La Loma Cockpit. Kinulayan kasi ang manok na inilaban ng nagngangalang Ju...
Pinag-uusapan ngayon ng
sabong community ang isang sultada sa La Loma Cockpit. Kinulayan kasi ang manok na inilaban ng nagngangalang Jun BBQ. Pero ‘di lang ito, matapos na
manalo ang manok na kinulayan ay binuhasan pa niya ng parang
pira-pirasong bulaklak o dahun-dahon na nnagmistulang confetti ang natalong
manok.
Ayon sa ilang mga
nakapanoon sa naturang video na nakapost sa FB page na Gallera de Guison Hermanos Inc. (la loma cockpit), ‘di dapat pinapayagan ng management na maglaban
ang kinulayan na manok. Maaari kasi itong makalito sa kalaban dahil ‘di ito
pamilyar sa ganitong kulay. May kahalintulad na rin ang ganitong manok na
minsan nang nag-viral sa internet, ‘yun naman ay kulat itlog na pula o maroon. Nanalo
rin sa laban ang nasabing manok.
Isa pa, ‘di rin daw maganda
ang ginawa ni Jun BBQ dahil mistula nitong ininsulto ang may-ari ng kalabang manok sa
ginawa nitong pagbubuhos ng kung anu-ano bilang respeto na rin. Talo na nga raw
ay binastos pa nito.
Pero ayon naman sa
ibang mga nagkomento, wala namang masama sa ginawa ni Jun BBQ. Kapag sabungero
ka, hindi ka raw dapat maging pikon lalo na’t uso ang kantyawan sa sabungan. ‘Yung
iba nga raw naghuhubo pa kapag nananalo. Kaya’t dapat na maging sport lang
kapag may nangangantyaw.

COMMENTS