Ang maging sentensyador ay 'di biro dahil napakalapit sa disgrasya ng ganitong klase ng trabaho. Nagsisil...

Ang maging sentensyador ay 'di biro dahil napakalapit sa disgrasya ng ganitong klase ng trabaho. Nagsisilbi kasing silang judge sa mga manok na mayroong tari. Kapag 'di nag-ingat siguradong mayroon silang paglalagyan. May nabalitaan na tayong mga sentensyador na nadisgrasya habang isinasagawa ang kanilang tungkulin.
Isang sentensyador ng La Loma Cockpit na nagngangalang Jervy ang bumibida ngayon sa social media dahil sa mala-Lito Lapid nitong moves. Paano kasi ay bigla siyang nadulas, pero mabilis pa rin niyang nadampot at naikaryo ang mga manok.
Maraming mga kasabong ang humanga sa galawan ni Jervy dahil sa kabila nang pagkakadulas ay nanatili siyang alerto o mabilis kumilos. Sabi pa nga nang ibang nakapanood ng kanyang video ay para siyang si The Flash sa bilis. Pero mayroon din namang 'di bilib sa ginawa ni kuya dahil buhay pa diumano ang isang manok kung 'di ito nadagdagan ng kanyang mga kamay.
Hindi lang nag-iisa si Jervy na sentensyador na nag-viral dahil sa mala-Lito Lapid nitong galawan. Nito lang din ng taon na ito ay may isang sentensyador sa Pampanga Coliseum ang tinaguriang "The Dancing Sentenciador" dahil para itong sumasayaw nang madulas ito habang nagsi-sestensya. Gaya ni Jervy, nagawa pa rin niyang gampanan ang kanyang tungkulin. Kahit may aberya may nangyari show must go on 'ika nga.
Panoorin ang video:
COMMENTS