Ngayong Beer Months ay usung-uso ang pag-atake ng masasamang loob. Isang kasabong ang nanakawan ng tatlong manok matapos na...
Ngayong Beer Months ay usung-uso ang pag-atake ng masasamang loob. Isang kasabong ang nanakawan ng tatlong manok matapos na pasukin ng isang ‘di nakikilalang lalaki ang loob ng bakuran ng kanilang bahay. Nangyari ang nasabing insidente nang pagnanakaw sa Camicheles, Mabalacat, Pampanga.
Ayon sa post ng
Facebook user na si Charmilou Bekvis Maristela, bandang 12:26 pm nang pasukin
sila ng magnanakaw. Kinuha nito ang tatlong manok-panabong ng kanyang asawa na si Jojo Gozun Maristela na
nakatali sa loob ng kanilang bakuran. Hahabulin pa sana ito ng kanyang asawa
kaso mabilis na nakatakas ang magnanakaw.
Sa pagmamadaling tumakas
ng suspek ay naiwan nito ang kanyang motor na may plakang BC 72018. Nanawagan
si Charmilou na kung sino man ang nakakilala sa lalaking may-ari ng motor ay
ipagbigay-alam lamang sa kanila.
Makikita sa CTTV na sa
una ay pilit na binubuksan ng lalaki ang gate ng bahay nina Charmilou. Nang ‘di
mabuksan ay aakyat pa sana ito sa ibabaw ng gate. Pero 'di niya itinuloy, sa halip ay sinubukan niyang muling
buksan ang gate hanggang sa ito ay kanyang mabuksan. Makikita rin sa video na
nakuha ng lalaki ang isang manok na nakatali. ‘Di na nakita pa ang mga sumunod
na pangyayari dahil ‘di na ito hagip ng camera.
![]() |
| Ang naiwang motorsiklo ng suspek |
Panoorin ang kuha sa CTTV:


COMMENTS