Sa panahon ngayon ay masasabing ‘di na basta-basta ang mga backyard breeder dahil ‘di puwedeng m...

Sa panahon ngayon ay masasabing ‘di na basta-basta ang mga backyard breeder dahil ‘di puwedeng maliitin ang kanilang manok. Maalam na rin kasi sila sa pagmamanok dahil maraming impormasyon na makukuha kung saan-saan. Hindi kagaya dati na maraming isinisekreto ang mga unang sabungero. Siyempre nga naman bentahe nila ito sa kalaban.
Oo nga’t konti lang ang alagang manok ng mga backyard
breeder. Pero ‘di naman makikita ‘yan sa quantity kundi sa quality. Marunong na
rin silang mamili ng magagandang materyales. ‘Di porke’t backyard ay dumadampot
na lang sila ng manok kung saan. Ginagawa rin kasi ng iba sa kanila na negosyo
ang pagmamanok. Kaya’t dapat ay maganda rin ang kanilang maprodyus.
Isa si Elpidio Enrique o mas kilala sa kanilang lugar sa
Antipolo bilang ‘Lolo Chicken’. Sa mga backyard breeder sa bansa na makikitaan
ng galing at magandang pananaw sa pagsasabong. Para lalo natin siyang makilala,
mabuti pang alamin natin ang kanyang kuwento.
Panoorin ang video:
COMMENTS