Iba-iba ang sistema ng mga breeder pagdating sa pag-aalaga ng mga sisiw. May mga nagsasabi na isang linggo muna ang kanilang...
Iba-iba ang sistema ng mga breeder pagdating sa pag-aalaga ng mga sisiw. May mga nagsasabi na isang linggo muna ang kanilang pinalilipas bago ito patapakin sa lupa. Dahil sisiw pa lang ay napakahina pa kanilang resistensya. Kapag pinaapak mo raw sa lupa ay maaari itong kapitan ng viruses na magdudulot ng sakit sa sisiw.
Pero mayroon din ilang
mga breeder na kahit kalalabas o ilang araw pa lang nabubuhay ay pinapatuntong
na nila agad sa lupa. Ginagawa nila ito dahil naniniwala silang sa pamamagitan
nito ay magiging matibay ang sisiw. Habang nasa lupa ang sisiw, siyempre sinasabayan nila ito nang pagbibigay ng multi-vitamins.
Kung si Charlie Cruz ng
Candice Jean Gamefarm ang tatanungin, ano kaya ang kanyang ginagawa sa sisiw,
nag-aantay pa ba siya ng ilang araw bago niya patapakin sa lupa? O siya ang
tipo ng breeder na na naniniwala sa
pangalawang sistema na nabanggit?

COMMENTS