Wala nang sasaya pa sa mga kapistahan sa Pilipinas. Tuwing fiesta ay talaga namang napakaraming handang pagkain sa mga kabahayan, may m...
Wala nang sasaya pa sa
mga kapistahan sa Pilipinas. Tuwing fiesta ay talaga namang napakaraming handang
pagkain sa mga kabahayan, may mga palaro, sayawan, concert, perya at kung
anu-ano pa. Siyempre, hindi rin mawawala ang sabong!
Ito ang panahon kung
saan ang tupada ay nagmimistulang ligal dahil hinahayaan lang ito ng mga
kapulisan at ng barangay officials na mangyari. Total naman ay minsan lang sa
loob ng isang taon nagkakaroon ng fiesta. Pagkatapos na lang nila huhulihin ang
mga nagpapatupada, hehe.
Dahil fiesta, natural
na mas block buster ang tupada dahil siguradong maraming mga dayo ang makikisali
o makikipanood. Dahil sa sabong ay nadadagdagan ang makulay na kapistahan
nating mga Pilipino. Siyempre, kapag fiesta ay bumabaha ng alak kaya’t sa
ganitong panahon ay magtira ng katinuan para iwas-gulo kapag nasa tupada.
Tunay nga namang wala
nang tatalo pa sa kapistahan nating mga Pilipino dahil maging ang sabong ay
naging bahagi na nito.
Panoorin ang video ng
tupada sa Brgy. Talisay, Negros Occidental, Mindoro noong araw ng kanilang
kapistahan. Ito ay ibinahagi sa Sabong Ngayon ni Jack Katipunan, residente ng
nasabing barangay.

COMMENTS