Pinag-uusapan ng mga sabungero sa social media ang isang sultador na mistulang ginawang bowling ang p...

Pinag-uusapan ng mga sabungero sa social media ang isang sultador na mistulang ginawang bowling ang pagbibitaw ng manok sa ruweda.
Ang nasabing video ay ipinaskil ng Facebook user na si Michael Gaviola. Nangyari ang insidente sa Gagua Cockpit.
Makikita sa video na basta na lang inihagis ng sultador ang manok niya. Hindi nito sinunod ang tamang paraan nang pagbibitaw. Sa ginawa niya ay puwede siyang makadisgrasya. Nanalo ang manok nang nasabing sultador. Makikita pa sa hulihan ng video na makikipagkamay pa sana ito, pero itinulak siya ng nakalaban nito.
Ayon kay Allan Dela Cruz na isa sa mga nakakita nang pangyayari, nag-walkout ang side nang natalo. Kung sa kanya rin daw ito nangyari ay ganito rin ang kanyang gagawin. Baka pabayaran pa niya ang natalo niyang manok.
Reaksyon naman ng mga nakapanood sa nasabing video, dapat ay pinatabla na lang ng management ang laban dahil mali nga ang ginawa ng isa. Kung sila raw ang masusunod, dapat ay 'di na ito paakyatin sa ruweda o 'di kaya'y pagbawalang pumasok sa mismong sabungan.
Panoorin ang video:
COMMENTS