Talaga namang sikat na sikat at napakalakas ng dating ng Peruvian sa ating mga Pinoy. Bagama't dalawang beses pa lang nagkakaroon...
Talaga namang sikat na sikat at napakalakas ng dating ng Peruvian sa ating mga Pinoy. Bagama't dalawang beses pa lang nagkakaroon ng pasabong sa atin ng ganito. Paano ba naman kasi bukod na sa malalaki ay napakalakas pa ng manok nito. Kahit i-spar mo pa lang ay makakarinig ka na parang naglalagutukan ang kanilang mga buto. Kahit bata pa lang ay mga palaban na. Ibayong pag-iingat ang ginagawa nang mga nagbibitaw nito kung sa Teksas pa lang kapag tinamaan ka ng palo yari na, sa Peruvian pa kaya?
Dahil wala pa namang regular na pasabong para sa Peruvian, ang ginagawa ng iba ay inihahalo nila ito sa Teksas. Napansin nila na lalong lumakas ang kanilang manok nang ginawa nila ito. "Di ba't nagkampeon pa nga si Vic Lacsao sa BAKBAKAN gamit ang mga manok na may dugong Peruvian?
Hindi lang naman sa Pinas sikat ang Peruvian kundi pati na rin sa Indonesia at iba pang lugar sa Asya. Siyempre kinikilala ang bansang Peru kung saan nagsimula ang Peruvian derby. Sa video na ibinahagi nang isang nagngangalang German Montes, makikitang sandali lang natapos ang laban ng Peruvian. Talaga namang napakalakas ng Peruvian.
Panoorin ang video:

COMMENTS