Marami na ang mga babaeng nagmamanok o nagsasabong ngayon dito sa Pilipinas. Unang-una na n...

Marami na ang mga babaeng nagmamanok o nagsasabong ngayon dito sa Pilipinas. Unang-una na nga riyan si Osang Dela Cruz na tinaguriang 'Reyna ng Sabong', Robie Yu Panis na 'Prinsesa naman ng Tari. Bukod sa kanila and'yan din sina Rhona Bullecer ng Pililia, Janine Gonzales ng Davao, Regine Gonzales ng Batangas at marami pang iba.
Pero hindi lamang sa bansa natin nauuso ang mga babaeng nagmamanok. Kahit sa Mexico ay mga babae na ring nagsasabong. Siyempre, meron na rin sa iba pang panig ng mundo.
Makikita sa video na ipinaskil ng Hội Gà Mỹ Miền Nam ang isang babae na mistulang teenager pa lamang ay kinakarir na ang pagtatari. Hindi imposible na isang araw ay magkakaroon na rin ng sikat na babaeng mananari sa nasabing bansa. Bakit hindi? Sabi nga ng mga sabungera, kung ano ang kayang gawin ng mga lalaki ay kaya rin namang gawin ng mga babae. Para saan pa at sinabi na may pagkapantay-pantay sa sabong?
Panoorin ang video:
COMMENTS