Marami sa mga sabungero ang may gusto ng manok na angat o mataas lumipad. Para kasi sa kanila ay maliksin...

Marami sa mga sabungero ang may gusto ng manok na angat o mataas lumipad. Para kasi sa kanila ay maliksing kumilos ang ganitong manok. Kaya naman kanya-kanyang istilo nang pagsasanay ang ginagawa ng mga trainer para maging mataas lumipad ang kanilang mga manok. Meron nga kaming breeder na nakilala na matatas lumipad ang manok. Kapag iniispar ang mga manok niya ay umaabot pa ang lipad ng manok sa may ilawan ng ruweda sa kanyang farm. Ang ganitong laro raw ng kanyang mga manok ang hinahanap sa kanya ng mga buyer.
Ang problema nga lang ay naiisahan ang angat na manok ng kalaban kapag abang ang istilo. Pero depende na rin siguro, kung magaling naman umilag ang angat na manok ay makakaiwas ito sa palo.
Sa video na nag-viral ay makikita ang ginagawang pagsasanay ng isang sabungero sa kanyang mga manok. Maraming mga netizen ang bumilib dito dahil nagagawa niyang patakbuhin ang utusan na lumipad ang mga manok papunta sa mataas na kawayan na nagsisilbing hapunan ng manok.
Panoorin ang video:
COMMENTS