Viral ngayon ang video ng isang inahin na nililimliman ang limang kuting. Maraming netizens at n...

Viral ngayon ang video ng isang inahin na nililimliman ang limang kuting. Maraming netizens at nakyutan at naantig sa video dahil kahit ang hayop ay mayroong ding damdamin bilang isang ina.
Ang naturang viral video ay naka-post sa Facebook page na Videoon. Habang isinusulat ang artikulong ito ay nakakuha na ito nang mahigit 15 million views.
Sa una, makikita na nililimliman pa ng inahin ang mga kuting na parang mga itlog. Pero maya-maya lang ay lumabas na ang mga pagka-kyut na kyut na kuting.
Bagama't marami ang natutuwa ay mayroon din namang naiinis o nagki-kritisismo sa nag-post sa video. Anila ay mukha namang malulusog ang mga kuting at inilagay lang naman ng may-ari ang mga ito sa pugad ng inahin. Hindi naman daw kasi magagawa pang umakyat doon ng mga kuting. Maaaring ang ina ng mga kuting ay naroon lang sa paligid.
Ikaw kasabong, ano ang masasabi mo hinggil sa video na ito?
Panoorin ang video:
COMMENTS