Arestado ang 69 costumers at 7 tauhan ng isang kainan at inuman matapos madatnan ng kapulisan na nagpapalabas at nagpapataya ito ng onl...
Arestado ang 69 costumers at 7 tauhan ng isang kainan at inuman matapos madatnan ng
kapulisan na nagpapalabas at nagpapataya ito ng online sabong sa may Brgy. Bagumbuhay, Quezon City.
Ang naturang
establisiyemento ay inireklamo ng mga residente dahil perwisyo ito sa kanilang
barangay. Palagi raw kasing maingay at maraming tao rito na umaabot pa hanggang
sa may kalsada. Problema rin sa trapiko ang dulot nito dahil nakahambalang ang
mga sasakyan ng mga kostumer sa kalsada.
Sa panayam ng 24 Oras kay Brgy.
Bagumbuhay Chairman Raulito Datiles, sinabi niya ang ibang mga kostumer ay ‘di na tumataya
sa machine kundi sila-sila na ang nagpupustahan o kung sa pula o sa puti. Sobrang
dami ng tao kaya’t gumugulo na.
Umalma pa ang ilang
tauhan ng establisyemento sa pagsasabi na mayroon silang permit. Pero
napag-alaman ng kapulisan na ang kanilang permit ay para lang sa karera ng
kabayo at hindi para sa online sabong. Sinabi ng isa pang tauhan, na sa
pagkakaalam niya ay ligal ang pagpapalabas nila ng online sabong.
Isinara pa ng mga pulis ang
establisyemento para ‘di makalabas ang mga tao roon. Kinumpiska nila ang mga
machine na ginagamit sa iligal na operasyon ng online sabong.
Ang mga naaresto ay
makakasuhan ng illegal gambling.
Source: 24 Oras

COMMENTS