Ang maging sentensyador ay 'si biro dahil napakadelikado ng kanilang trabaho. Mantakin mo ba naman referee sila ng dalawang manok na ...
Ang maging sentensyador ay 'si biro dahil napakadelikado ng kanilang trabaho. Mantakin mo ba naman referee sila ng dalawang manok na naglalaban na mayroong tari. Kaya't ibayong pag-iingat ang kanilang ginagawa. Ang iba pa nga ay mayroong protection gear na inilalagay sa kanilang pulso habang ang iba naman ay wala. Kapag 'di nag-ingat ay siguradong disgrasya ang aabutin.
Pinag-uusapan ngayon ng mga sabong netizens ang isang sentensyador na tila napasayaw nang ito ay madulas. Pagkakuha niya kasi ng manok ay bigla siyang napaupo at napahiga. Bagama't nadulas ay ginawa pa rin niya nang maayos ang kanyang trabaho. Dahil dito ay pinuri siya ng mga nakapanood na sabungero. Sinabi nila na 'yan ang tunay na sentinsyador na kahit may aberyang nangyari ay show must go on. Pero kung titingnan ay napakadelikado ng kanyang ginawa dahil puwedeng mapalo siya ng manok. Buti na lang at alisto siya.
Ang insidente ay nangyari habang isinasagawa ang 3-cock derby sa may Pampanga Coliseum.
Ang insidente ay nangyari habang isinasagawa ang 3-cock derby sa may Pampanga Coliseum.
Panoorin ang video:

COMMENTS