Ano ang nararamdaman mo kapag inilalaban mo ang iyong manok sa sabungan? Medyo relax ka lang ba o nakararamdam ka rin ng kaba? Mayroon ...
Ano ang nararamdaman mo
kapag inilalaban mo ang iyong manok sa sabungan? Medyo relax ka lang ba o nakararamdam
ka rin ng kaba? Mayroon bang pagkakataon na parang maiiihi ka na sa salwal
dahil sa sobrang kaba? Kung mayroon ka lang sakit sa puso baka sa sandaling ‘yun
ay bumigay na ang katawan mo. Pero mangyayari lang ‘yun kung pa-champion ka na
at kinakabahan na masilat pa ang manok mo. Kung hindi naman ay kung sobrang
laki nang ipinusta mo. Maliban na lang kung isa kang bigtime breeder na walang
pakialam sa amount na ipinupusta total marami ka namang salapi. ‘Di kagaya sa
mga small time na nakukuntento na sa minimum.
Natural lang naman sa
atin ang kabahan, hindi lang sa sabong kundi maging sa iba pang aspeto ng ating
buhay. ‘Di naman ibig sabihin na kapag nakararamdam ka ng ganito ay takot ka na
talaga. Parte lang ito ng bawat laro. Ang kaba naman ay panandalian lang,
pagkatapos magbibigay sa iyo ito ng pag-asa at motibasyon at siyrempre ng
excitement. Ang mahalaga, alam mo kung paano hawakan ang iyong nerbiyos nang ‘di
nahahalata ng iba. Saka may tiwala ka naman sa manok mo ‘di ba? Kung sakali
mang matalo ka sa laban, alam mo naman na laging may next time sa sabong. Baka minamalas
ka lang ngayon, pero bukas may tsansa na manalo ka.
Ang maganda sa isport natin
ay dalawa lang ang pagpipilian- sa Meron o sa Wala. Isa pa, sa panahon ngayon
ay wala nang nagdu-dominante. Lahat ay may pagkakataon nang maging kampeon sa
sabong. Kaya nga ang bawat isa ay pursigido na pagbutihin ang pagmamanok para makasabay sa iba. Lalo na't napakatindi na ng labanan sa panahon ngayon. Kahit mga backyard breeder ay maalam na sa pagmamanok.
Sa kabilang banda, may
pagkakataon ba na sa sobrang saya mo kapag nagsasabong ay nag-iiba ang iyong
ikinikilos.Nagiging wild na ‘ika nga. Kagaya ng ibang sabungero na kapag
mukhang nananalo na ay may pasipa-sipa, pagulung-gulong at pasayaw-sayaw pang
nalalaman? Ayos lang siguro ‘yun, huwag lang maghuhubo dahil malaking eskandalo
na ‘yun, hehe. Hindi na nila naiisip pa ang magiging reaksyon ng ibang tao.
Pero para sa mga bukas ang isipan, alam nilang nadala lang ang mga ito sa
sobrang saya. Gusto lang nila na mailipat ang positibong enerhiya sa kanilang
manok. ‘Di na importante sa kanila kung matalo man sila dahil ang importante ay
masaya sila. Walang basagan ng trip basta ba 'di nakakaagabriyado ng ibang sabungero. Ang maganda kasi sa atin, kahit may kantyawan ay bihira lang ang nagkakapikunan. 'Yun ay kung personalan na ang mga banat.
Sa huli, ang sabong
naman ay ‘di tungkol sa kung nanalo o natalo ka, sabi nga ng iba ito ay tungkol
sa paano ka nag-enjoy sa sport na ito. Ang thrill at excitement kasi sa sabong
ay walang katapusan at bukas ito para sa lahat.
Happy cocking sa inyong lahat!

COMMENTS