Likas na sa manok-panabong ang maging matapang dahil nasa dugo na nila ito. Basta't makakita lang sila ng k...

Likas na sa manok-panabong ang maging matapang dahil nasa dugo na nila ito. Basta't makakita lang sila ng kapwa nila manok ay siguradong away na 'yan. Pero minsan, kahit hindi nila kauri ay inaaway din nila.
Gaya na lang nang mapapanood sa video na nilabanan ng manok ang isang aso. Noong una ay lumalaban pa ang aso, pero kinalaunan ay nabahag din ang buntot nito dahil tumakbo. Hinabol naman siya ng manok.
Hindi lang naman ito ang unang pagkakataon kung saan ay nang-away ang manok ng 'di niya kauri. Mayroon na ring mga video na unggoy, ibon, pato at iba pa ang naging kalaban ng manok.
Panoorin ang video:
COMMENTS