Problemang maalas ng mga may-ari ng farm ang mga ahas dahil kinakain nito ang kanilang alagang mga manok. Marami nang mga breeder ang nag...
Problemang maalas ng mga may-ari ng farm ang mga ahas dahil kinakain nito ang kanilang alagang mga manok. Marami nang mga breeder ang nagsabi na nakahuli o nakapatay sila ng ahas. Hindi lang kasi manok ang maaari nitong pinsalain kundi pati ang iba pa nilang alagang mga hayop. At ang mas masakit ay kung tao pa ang mabiktima ng ahas.
Viral ngayon ang video ng isang ahas na maraming kinain o nilulon na mga mga manok. Makikita sa video na isa-isang inilalabas nang lalaki ang mga manok. Halos karamihan ay mga sisiw pa lang, pero mayroon ding malaki na. Habang ginagawa ito ng lalaki ay hawak-hawak naman ng isa pang lalaki ang ahas.
Nangyari ang insidente sa bansang Tsina. Nagtataka raw ang may-ari ng mga manok dahil sa loob ng isang gabi ay nawala na lang ang kanyang mga alaga. Natuklasan nila na kinain pala ang mga ito nang ahas.
Panoorin ang video:

COMMENTS