Ang sabungan na yata ang isa sa mga pinakamasayang lugar na puntahan. Hindi lang dahil sa lugar ito para sa mga sabungero. Marami ka...
Ang sabungan na yata ang isa sa mga pinakamasayang lugar na puntahan. Hindi lang dahil sa lugar ito para sa mga sabungero. Marami kasing gimik hindi lang ang management ng sabungan kundi pati na rin ang mga sumasali sa palaban.
Gaya na lang ng isang binabae na minsan nang nag-viral dahil sa kuntudo costume pa ito. Mantakin mo ba naman ay naka-Darna pa na para bang dumalo lang sa cosplay. Kinilala ng ilan sa mga nakapanood sa video na ito raw ay si Paula ng Antipolo. 'Yun nga lang ay natalo ang manok nito. Nasabi tuloy ng announcer na 'di tumalab ang anting-anting kaya't pinapaluwa niya ang bato kay Darna este kay Paula.
Panoorin ang video:

COMMENTS