Kapag namimili ng pang-materyal man o panlaban ang isang sabungero, siyempre tinitingnan niya a...

Kapag namimili ng pang-materyal man o panlaban ang isang sabungero, siyempre tinitingnan niya ang height ng manok. Mayroong ang gusto ay high station dahil mas mahaba raw ang paa nito kaya madaling makakunekta sa kalaban. Pero mayroon din namang ayaw sa matatas na manok dahil mas mahirap itong makatama kapag maliit ang kalaban. Mayroon namang ang gusto ay maliit na manok lang dahil mas maliksi raw ito. Pero mayroon din namang ang gusto ay medium station, hindi mababa at hindi rin mataas. Ang gusto ay 'yung sakto lang.
Sa kabilang banda, hindi rin naman maiaalis na may mga sabungero na hindi tumitingin sa height ng manok. Ibinabase nila ang kanilang pagpili sa ipinapakitang performance ng manok kapag kanilang ibinibitaw. Sa labanan naman daw, hindi pinag-uusapan ang height ng manok kundi kung paano nito tatalunin ang kalaban.
Kung tatanungin naman natin ang mga kilalang breeder na sina Charlie Cruz at Raffy Yulo, mga endorser ng LDI kung ano ang kanilang pamantayan pagdating sa pagpili ng height ng manok na kanilang panlaban, ano kaya ang gusto nila?
Panoorin ang video:
COMMENTS