Ang tari ang nagsisilbing sandata ng manok kaya't napakahalaga na tama ang pagkakabit ng tari s...

Ang tari ang nagsisilbing sandata ng manok kaya't napakahalaga na tama ang pagkakabit ng tari sa manok. Kapag may mali kasi ay malabo na ang tsansa na manalo. Pero hindi lang naman hanggang sa pagkakabit ang tinitingnan natin kundi ang mismong tari. May mga tari kasi na nababali o 'di-kaya'y natitiris. Maganda pa naman ang laro ng manok, pero nang magka-problema ang tari ay naunahan na ng palo ng kalaban. Ang resulta, talo manok natin.
Isa sa posibleng dahilan nang pagkabali o pagkatiris ng tari ay mali ang pag-asinta. Puwede rin namang dahil low quality ang material na ginamit sa tari. Kaya't natural lang na kapag low quality ay madali lang masira. Ipapaliwanag sa atin ni Nato Giron, admin ng New Art of Gaffing (NAOG) sa Facebook ang mga dahilan kung bakit nababali o natitiris ang tari.
Panoorin ang video:
COMMENTS