Sadyang likas na sa mga manok-panabong ang maging palaban. Hindi lang kapwa nila manok ang kanilang pinapalo kung minsan ay ta...
Sadyang likas na sa mga manok-panabong ang maging palaban. Hindi lang kapwa nila manok ang kanilang pinapalo kung minsan ay tao pa nga o ang ibang mga hayop. Marami na tayong nakita sa internet na ang kalaban ng manok ay aso, unggoy, pato at iba pa.
Sa isang viral video, maraming sabong netizen ang natuwa dahil sa pagkakataong ito ay ibon naman ang kalaban ng manok. nagmistula kasing David and Goliath ang kanilang tapatan. Ang problema ay 'di makatama-tama ang manok dahil panay lipad ng ibon. Small but terrible 'ika nga. Kumbaga sa manok ay maangat din. Sa huli ay sumuko na lang ang manok dahil mukhang napagod din. Ang labanan ng dalawa ay umabot din nang dalawang minuto.
May mga nagbiro pa na ano raw ang breed ng ibon para mai-cross nila ito sa kanilang panlaban. May nagsabi rin na kung ganyan ang manok niya ay aadobohin na lang niya dahil umaayaw sa laban. May nagbiro rin na may lahing harimanok ang ibon kaya matapang. Patunay lang daw ito na walang maliit na 'di nakakapuwing.
Panoorin ang video:

COMMENTS