Maraming fake sellers ang nagkalat sa internet kaya’t dapat na maging maingat kapag bumibili ng manok online. Nagpu-post sila...
Maraming fake sellers ang nagkalat sa internet kaya’t dapat na maging maingat kapag bumibili ng manok online. Nagpu-post sila ng magagandang picture ng manok sa Facebook o sa iba pang selling sites. Dahil dito ay nagkakaroon ng interes ang ilang makakakita ng post. Umaasa silang kapag bumili sila sa seller ay makukuha nila ito. Pero ang masama, pagkatapos nilang magpadala ng bayad, ang seller kuno ay ‘di na ipapadala ang inorder na manok. Napakasakit nito sa parte ng buyers dahil ang pinaghirapan nilang pera ay nawala nang ganun-ganun na lang. Wala silang ibang magawa kundi ang magalit at ipaskil ang picture ng taong nanloko sa kanila.’Yun nga lang ay ‘di rin sigurado kung sila nga ang nasa picture dahil baka nanggagamit lang sila ng ibang identity.
Ano ba ang dapat gawin
para ‘di mabiktima ng ganitong modus operandi? Kinakailangan na maging maingat
tayo palagi sa mga taong nakikilala natin sa internet dahil ‘di naman natin
sila kakilala ng personal. Walang masama na magtiwala, pero bago ito gawin
dapat siguraduhin na tamang tao nga ang pinagkakatiwalaan at ‘di isang fake
seller. Ang unang dapat gawin ay i-background check muna ang seller. Totoo ba
ang manok na kanilang ibinenta o baka kinuha lang nila ito sa ibang tao. Saan matatagpuan
ang kanilang manukan? May mga nakabili na ba ng manok sa kanila online? May
nakikita ka bang patotoo galing sa mga taong nakabili na sa kanila. Kung meron
man, satisfied ba ang mga ito sa ipinadalang manok ng seller?
Sa kabilang banda,
mayroon din namang seller na ‘di peke. Nagpadala sila ng manok sa buyer, pero
ang problema maling manok naman ang ipinadala. Imbes na ipadala ang manok na
nasa picture, ang ipinadala ay manok na low quality o kaya naman ay mayroong
diperensya. Isa itong maliwanag na panloloko dahil ‘di sila totoo sa ipinapaskil
nila sa internet. ‘Di ba nila alam na masisira ang kanilang reputasyonsa
ganitong istilo? Maliban na lang kung talagang intensyon nila ang manloko.
Mayroon din namang
nagrereklamo dahil ang nabiling manok ay losing line raw. Pagkatapo ipagkakalat
nila sa social media na huwag bumili ng manok sa ganitong breeder dahil pangit
ang mga manok nito. Pero kapag ganito ay ibang usapan na ito. Baka mas magaling
o masuwerte lang ang manok ng kalaban.Maaari ring may mali sa pagkukundisyon,
pagtatari, etc. Kung alam naman palang bulok ang nabiling manok, ‘di na sana
ito inilaban pa.
Kapag bumibili ka ng
manok online ay sumusugal ka rin. Di mo naman kasi nahahawakan ang manok.
Maliban na lang kung personal kang bibisita sa manukan ng seller. Pero kaya nga
may internet, ‘di mo na kailangan pang pumunta nang malayo para lang makabili
ng manok. Basta maging maingat lang sa pakikipag-transaksyon. Meron din kasing
mga tao na ginagamit ang pangalan ng mga kilalang breeder para makapanloko.
Huli na nang malaman nila na ang kausap nilang tao ay iba pala.
Kung mayroon mang fake seller na nagbabasa sa post na ito, pakiusap lang
itigil na ang masamang gawain. Ang sabong ay binubuo ng mga tapat na tao kaya’t
huwag itong sirain. Maaaring makapambiktima ng isa, dalawa, tatlong beses o
higit pa. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakapambiktima dahil mayroon
tayong tinatawag na KARMA!

COMMENTS