Kumusta na ang mga manok mo, kasabong? Hindi pa nauubusan ng feeds sa suki mong poultry supply. Napapakain mo pa ba nang maayos o gin...
Kumusta na ang mga manok mo, kasabong? Hindi pa nauubusan ng feeds sa suki mong poultry supply. Napapakain mo pa ba nang maayos o ginawa mo na silang tinola?
Viral ngayon ang mga litrato kung saan ipinapakita nang Fb user na si Glendale Benzon na may hawak siyang number ng teepee ng manok na galing sa palabutan at ito na ang kanyang gagawing ulam.
Marami ang nag-like at nag-share nang naturang post. Kanya-kanya pa sila ng tagged sa kakilala nila nagmamanok. May mga sabungero pa na nag-message sa kanya. Pero ayon sa kanya, 'di naman siya classmate sa sabong kundi ang tatay niya ang sabungero. Gusto lang niya diumanong kumain ng inasal.
Kung tutuusin, matagal na ang ganitong biruan sa manok na pula na gagawing tinola, inasal, adobo at iba pang luto sa manok. Pero ngayon na panahon ng krisis, marahil ay may ilang sabungero na isinakripisyo na ang kanilang mga manok dahil sa kulang na sa pagkain. Lalo na't di natin alam kung kailan maibabalik ang sabong.
Marami pa rin na mga sabungero na mayroon pang budget. Kaya pa nilang pakainin ang kanilang mga manok kaya't wala sa isipan nila na gawing pang-ulam ang mga ito. Lalo na't mataas ang halaga ng isang manok.



COMMENTS