Karaniwan na sa tupada na kapag natalo mo ang manok ng iyong kalaban ay magiging bihag mo na ito. Natural, pwede mo itong iuwi at lutuin...
Karaniwan na sa tupada na kapag natalo mo ang manok ng iyong kalaban ay magiging bihag mo na ito. Natural, pwede mo itong iuwi at lutuin sa putahe na gusto mo gaya ng tinola, adobo at iba pa noong Abril 12.
Pero ano nga ba ang ginagawa sa nakumpiskang manok? Ginawang ulam ni Mayor Rex Gatchalian ang mga manok na nakumpiska ng mga pulis mula sa mga nagsasabong sa Paxton, Valenzuela.
Aniya, nagsisilbi itong babala sa mga magmamanok na lalabag sa enhance community quarantine.
Kung sabungero ka at taga-Valenzuela, huwag ka munang magsabong. Mas mabuting maghintay na lang matapos ang krisis kung ayaw mong makulong at maging ulam ang manok mo.


COMMENTS