Kahit naka-quarantine ang buong bansa at nagkakahulian ay tila hindi ito alintana ng ilang mga sabungero. Patuloy pa rin sila sa pagsasab...
Kahit naka-quarantine ang buong bansa at nagkakahulian ay tila hindi ito alintana ng ilang mga sabungero. Patuloy pa rin sila sa pagsasabong kahit alam nila na puwede silang makulong.
Mapa-Metro Manila o maging sa probinsya ay mayroon pa ring nagsasabong.
Isang Facebook user na nagngangalang Jerome Stephen M. Banzuela ang nagpaskil ng litrato ng kalakihan na nagtatakbuhan. Ang kakati raw kasi sa sugal ng mga ito. Nagmistula tuloy fun run ang nangyari.
Ayon sa isang netizen, nangyari ito sa Purok Locban, Brgy. Balinad, Daraga, Albay.
Ang ganitong pangyayaring ay karaniwan na lang na sa mga tupada kapag dumarating na ang mga otoridad. Kailangan kasing tumakbo nang mabilis para 'di makulong at magastusan nang pampiyansya lalo na ngayon na sarado pa ang mga korte kaya't di agad makakalabas ng kulungan.
- May mga netizen na nagsasabi na mayroon ding tupada sa kanilang lugar 'di lamang naibabalita. Patunay lang na sadyang paawat ng iba kahit alam nilang posible silang mahawaan ng covid at kapag nahawaan man sila ay damay na rin ang kanilang pamilya.

COMMENTS