Sa panahon ng krisis, 'di pa rin nawawala ang tupada. Umaasa kasi ang iba na madudoble o lalago ang pera nila rito. Pero paano kung...
Sa panahon ng krisis, 'di pa rin nawawala ang tupada. Umaasa kasi ang iba na madudoble o lalago ang pera nila rito. Pero paano kung hindi? Alam naman natin na swertehan lang sa sabong.
Isang babae na taga-Siargao na itinago sa pangalang Ayi ang dumulog kay Idol Raffy Tulfo para ireklamo ang kanilang konsehal na si Ariel Figuron na nagpapatupada diumano sa kanilang lugar.
Bilang katibayan ay may video si Ayi na ipinadala kay Idol Raffy kung saan makikitang nagbibitaw ng manok ang konsehal.
Ang naturang video ay kuha pa noong March 12, wala pang pang ECQ. Pero sinabi ni Idol Raffy, kahit noon pa kuha ang video, bawal naman talaga ang tupada. Isa pa, konsehal na siya nang ma-videohan. Ani Tulfo dapat daw siya ang nangunguna para mapahinto ito, hindi 'yung siya ang nagpapasimuno.
Pinabulaan ng Konsehal na siya ang pasimuno ng tupada sa kanilang lugar. Gawa-gawa lang daw ito para siya ay siraan ng mga kalaban niya sa pulitika.
Ngunit iginiit ni Ayi na totoo talaga ito. Wala raw siyang pakialam sa sigalot niy sa ibang tao. Ang gusto lang niya ay mawala ang tupada. Ang tatay niya kasi ay madalas magtupada. Ang perang pambili sana nila ng bigas napupunta pa rito.

COMMENTS