Mula nang mauso ang Covid ay kung anu-ano'ng challenge na ang nauso. Siyempre pa, may kinalaman sa pagtulong! Merong challenge ang na...
Mula nang mauso ang Covid ay kung anu-ano'ng challenge na ang nauso. Siyempre pa, may kinalaman sa pagtulong! Merong challenge ang nagngangalang Nichole Evangelista at ito ang tinatawag niyang 'Make your dad happy and proud challenge'.
Noong una balak lang mamigay ng relief goods sa 25 na pamilya sa kanilang lugar sa San Agustin, Tiaong, Quezon para sa pagdiriwang ng kanyang ika-21 na kaarawan. Pero naisip niya na kulang pa ang kanyang ipamimigay.
Naisip niya na ano kaya kung kumuha siya ng mga manok sa farm ng kanyang daddy. Ayun nga at kumuha siya ng 25 na manok-panabong nang hindi ipinapaalam sa ama ng nasa Italy. Nagpadala pa ito ng pera para sa patuka sa mga manok. Kinuha niya ang pera at isinama sa pantulong sa mga walang-wala.
Tutal naman daw sarado ang mga sabungan ngayon. Ang hamon niya sa mga may manok, ipamigay na lang sa mga walang makain o iluto na lang para merong makain.
Ano'ng palagay n'yo mga kasabong?
Panoorin ang video:


COMMENTS