Marami sa mga sabungero na bata pa lang ay nahilig na sa pagmamanok. Sa murang edad ay 'di na natatakot ...

Marami sa mga sabungero na bata pa lang ay nahilig na sa pagmamanok. Sa murang edad ay 'di na natatakot na humawak ng manok. Naimpluwesnyahan kasi sila ng kapamilya, kamag-anak o kaibigan na pawang mga sabungero. Ang iba ay tumutulong sa pag-aalaga ng manok kabilang na riyan ang pagpapakain, pagpapa-inom at pagpapaligo ng manok.
Maraming netizen ang natuwa sa bata na nagpapaligo o nililinisan ang alagang manok. Ayon sa ilang nakapanood ng video ng bata ay magaling mag-alaga ng manok ang bata. Posibleng balang-araw ay maging isang mabuti rin itong ina. Kapag mabait ka raw kasi sa hayop ay mas lalong mabait ka sa iyong kapwa-tao lalo na't kadugo mo pa. Kaya't habang bata pa lang ay turuan na silang maging mapag-alaga sa hayop gaya ng manok.
Panoorin ang video:
COMMENTS