Marami na ring mga kanta na nagawa sa sabong. May tungkol sa buhay-pagmamanok, may tungkol sa mga eksena ...
Marami na ring mga kanta na nagawa sa sabong. May tungkol sa buhay-pagmamanok, may tungkol sa mga eksena sa loob ng sabungan, may tungkol sa mga katangian ng mga sabungero at kung anu-ano pa. Bakit naman hindi ito magagawan ng kanta? Eh, napakakulay ng mundo ng sabong. Marami kang maikukuwento o sa maisasalarawan sa pamamagitan ng awitin.
Isa sa mga gumawa ng kanta tungkol sa manok o sabong ay si Boy Sullivan. Sumikat siya dahil sa mga kanta niya na double meaning. Sa kapilyuhan ng kanyang mga lyrics ay matatawa ka na lamang. Napakarami niyang mga kantang pinasikat. Isa na riyan ang Haring Solomon, Sa Silong ni Kaka at iba pa. Pati ang kanta niya tungkol sa sabong ay double meaning din na tumutukoy sa manok ng kanyang kumare na hirap siyang talunin.
Pakinggan ang kanta:
COMMENTS