May paralisado ka bang manok na gusto mo uling makalakad? Maaari pa itong makalakad muli sa tul...

May paralisado ka bang manok na gusto mo uling makalakad? Maaari pa itong makalakad muli sa tulong ng wheelchair. Oo, mayroon na ring wheelchair para sa manok. Hindi lamang ito para sa tao o para sa aso at pusa. Mayroon din para sa manok. Isa sa natulungan nito ay si Roo the Rooster na mayroong viral video sa Facebook na ipinost ng page na Wild Things.
Naparalisa ang legs ni Roo nang minsang magkaroon ito ng head injury. Dahil dito hindi siya makaupo o makatayo, ‘di rin makakain at makainom. Ni ‘di rin siya maka-tilaok. Kaya naman naisipan ng amo ni Roo na bilhan siya ng wheelchair para maka-recover uli ito. Dahil sa tulong ng wheelchair ay unti-unting nakalakad si Roo at nanumbalik ang kanyang sigla. Nakakakain at nakaiinom na uli siya.
Panoorin ang video:


COMMENTS