Talaga namang sakit ng ulo ng mga gamefowl breeder ang magnanakaw ng manok. Pinaghirapan mong alagaa...
Talaga namang sakit ng ulo ng mga gamefowl breeder ang magnanakaw ng manok. Pinaghirapan mong alagaan at palakihin tapos ay papakinabangan lang ng iba. ‘Di naman nakapagtataka kung bakit mainit sa mata ng magnanakaw ang manok. Alam kasi nila na may presyo ito. Puwede nila itong ibenta para kumita sila. Pero ‘yung iba, ninanakaw ang manok dahil sa kursunada nila.
Panoorin ang video:
Gaya na lang nang nabalita na isang lalaki ang nakuhanan ng video na nagnanakaw ng manok na nakatali sa labas ng bahay ng isang sabungero. Ayon sa asawa ng sabungero, kursunada diumano ng lalaki ang manok ng kanyang mister. Nakikipagtawaran nga raw ito sa kanyang mister. ‘Di sila nagkasundo sa presyo kaya’t ang ginawa ng lalaki ay binalikan ang manok saka ninakaw.

COMMENTS