Likas na yata sa mga bata ang maging mapagmahal sa hayop, pero 'di naman lahat ng bata ay ganito....

Likas na yata sa mga bata ang maging mapagmahal sa hayop, pero 'di naman lahat ng bata ay ganito. Mayroon din kasing mga salbahe na nambabalibag ng pusa o namumukpok ng aso. Ilang video na rin ang kumalat sa social media kung saan ay makikita natin ang pagmamahal ng ilang bata sa hayop kasama na rito ang manok.
Isang bata ang buma-viral ngayon matapos na iyakan nito ang manok na kakatayin na sana ng kanyang tatay. Makikita sa video na nagwawala ang bata dahil ayaw nitong katayin ang kanilang alagang manok. Inagaw pa nito ang kutsilyo sa kanyang ama. Sa huli, makikita na karga-karga na ng bata ang manok.
Ang nasabing video ay ipinost sa Facebook page na Best Video You Will Ever See.
Matatandaan na isa na ring video ng bata ang nag-viral na ganito rin ang situwasyon. Batang babae nga lang ang nasa video at nanay naman niya ang magkakatay ng manok. Maliban dito, sa Pinas ay mayroong batang babae na kung tawagin ay Baby Osang ang umiyak nang husto matapos na sagpangin ng pusa ang alaga niyang sisiw at namatay. Marami ring netizens ang naantig sa ginawang ito ng bata. May ilan pa ngang nagbigay sa kanya ng mga manok kapalit ng alaga niyang sisiw.
Panoorin ang video:


COMMENTS