Marami sa atin ang namulat sa pagmamanok noong bata pa lang dahil na rin sa impluwensya ng mga nakatatanda sa ...
Marami sa atin ang namulat sa pagmamanok noong bata pa lang dahil na rin sa impluwensya ng mga nakatatanda sa atin. Bakit 'di ka maeenganyong magmanok, eh ibang kasiyahan ang dulot na ibinibigay sa mga nahihilig dito.
Pero mayroon din namang mga bata pa lang ay natuto nang magtari at ginawa na agad itong hanapbuhay. Sa mura nilang edad ay may hawak-hawak na silang blade kahit alam nilang lubha itong delikado. Puwede kasing pumitik ang manok at kapag 'di naging listo ay tatama ito sa tao.
May isang batang mananari na nag-viral ang video dahil sa husay nitong magtari. Nananalo raw kasi ang tinatarian nito. Ang naturang video ay inupload ng netizen na si Baltazar Tancio. Pero ang payo ng iba sa bata ay unahin muna ang pag-aaral dahil ang pagtatari ay and'yan lang naman.
Panoorin ang video:
COMMENTS