Photo via BGT's Ormoc Gold Gamefarm Mga kasabong, alam n’yo ba kung saan nagmula ang Ormoc Gold ng gamefowl breeder na...
![]() |
| Photo via BGT's Ormoc Gold Gamefarm |
Mga
kasabong, alam n’yo ba kung saan nagmula ang Ormoc Gold ng gamefowl breeder na
si Bernie Tacoy?
Ayon
sa kanya, nagmula ito sa manok na native at kakatayin na sana. Nakuha niya ito sa
kamag-anak ng kanyang handler. Sumali ito sa derby sa Valencia Sport Center at
nakituloy sa kanilang bahay. Nagalingan sila sa mga manok na kanyang inilaban.
Nakursunadahan ng kanyang tiyuhin na si
Teteng Gonzaga ang mga manok nito. Gusto sanang bilhin ng kanyang tiyuhin, ang
kaso ‘di naman ito pumayag. Sa halip, nangako na lang na magpapadala ito ng
ibang manok.
Tinupad
naman ng kamag-anak ng handler ang kanyang pangako. Nagpadala ito ng dalawang
inahin. Pero sinabihan siya ng handler na native lang ito at huwag nang
i-breed.
Minsan
ay natalo sila sa sabong at napagdiskatahan ng tiyuhin ni Bernie ang dalawang
inahin. Inarbor ito ni Bernie at papalitan na lang daw ng ibang manok. Ang
problema nga lang, nakatay na ang isa kaya’t ang natitirang buhay na lang ang
kinuha niya.
Ang
nakuhang manok ay ipinares niya sa baldadong manok na Johnnie Jumper Kelso.
Galing din ito sa kanyang tiyuhin.
Hanggang sa makapagpisa siya ng mga itlog. Sa labing-apat na lalaking naiprodyus,
nanalo ang labing tatlo. Tumabla pa ang isa. Dahil sa galing lumaban ng Gold, kumuha sa kanya ang
kanyang tiyuhin. Samantalang dati ay gusto na nga niyang katayin ang inahin.
Maliban
sa Johnie Jumper Kelso naipares niya rin ang kanyang Gold sa manok na galing
kay Lope Durado. Ang Gold ni Bernie kung lumaro ay walang sinasayang na sandali.
Mautak rin ito at puwedeng ipares sa kahit ano’ng bloodline.
Samantala,
si Rolando Luzong ang nagbansag na pangalan ng Ormoc Gold. Dati-rati tinatawag
niya na lang ang kanyang manok na Cabiana.
Ilang
beses na siyang nanalo sa sabong na kanyang sinasalihan gamit ang Gold.
Nagkampeon na siya sa San Juan Coliseum, Ilocos Dakak Challenge ng Thunderbird
at kung saan-saan pa.


COMMENTS