Viral ang video ng isang lalaki na taga-Pueto Rico dahil gumawa ito ng laruan na manok na nakatayo sa lata na k...
Viral ang video ng isang lalaki na taga-Pueto Rico dahil gumawa ito ng laruan na manok na nakatayo sa lata na kapag hinihila ay tumutunog pa na akala mo ay totoong manok. Nakabibilib ito dahil tali lang naman ang kanyang hinihila, pero nakagagawa na ito ng iba’t ibang tunog ng manok. Maraming mga netizen ang humanga sa laruan ng lalaki. Hiling nila na sana ay magkaroon din sila nito. Ano kayang mekanismo ang inilagay dito para makagaya ito ng tunog ng manok?
Kung maima-market ang laruan na ito, siguradong papatok ito lalo na sa mahihilig sa manok. Kahit wala sila sa manukan, hilahin lang nila ang tali ay makaririnig na sila ng tilaok ng manok. ‘Di ba’t para ito musika sa pandinig ng mga magmamanok?
Panoorin ang video:

COMMENTS