Ibang klase rin naman ang palaro sa Amerika dahil ang tinatayaan nila ay ang ipot ng manok....
Ibang klase rin naman ang palaro sa Amerika dahil ang tinatayaan nila ay ang ipot ng manok. Ito ang tinatawag na Chicken Shit Bingo kung saan ay inilalagay sa lamesa ang manok na maraming patuka. Ang lamesa ay mayroong nakasulat na numero. Kapag umipot ang manok at natapatan ang numero na iyong napili ay bibingo ka agad.
Ayon sa Facebook page na Wag Purr na ang laro na ito ay may 25 years nang ginagawa sa Longjorn Saloon, Austin Texas. Kada araw ng Lingo nila kung ito ay kanilang gawin. Nasa isang libong katao ang dumadayo rito para lamang maglaro.
Ang gagawin mo lang daw ay bibili ka lang ng ticket na may katumbas na numero at bahala na ang manok sa dapat nitong gawin. Kada ticket ay nagkakahalaga ng 2$. Kapag sinuwerte ay maaaring manalo ng hunded dollars. Ang gagawin mo lang ay hintayin na maiputan ang tinayaang numero.
Panoorin ang video:




COMMENTS