Iba-iba ang ugali ng mga sabungero kapag nasa ruweda. Mayroong behave, pa-cool at mayroon din namang wild. Sila ‘yung mga napa...

Iba-iba ang ugali ng mga sabungero kapag nasa ruweda. Mayroong behave, pa-cool at mayroon din namang wild. Sila ‘yung mga napapanood natin sa social media na dahil sa sobrang saya ay nagsasayaw na. Kung hindi naman ay nagpapagulung-gulong o kung ano pa mang klase nang pangangantyaw ang ginagawa nila. Mabuti na lang at gentlemen ang mga sabungero. Kung iba kasi ‘yan ay baka napikon na. Biruin mo talo ka nga, aba’y sasayawan ka pa. May isa pa nga na habang nananalo na ang manok ay sinabayan pa ng pagratatat ng kanyang kamay na mala-armalite.
Pero ang isa nating kasabong ay iba ang napagtripan. Habang naka-break kasi ang laban ng mga manok ay gumawa siya ng sarili niyang laban. Aba’y mantakin mo ba naman na pagsabungin ang magkapares na tsinelas. Saan ka ba makakakita ng ganito kundi sa kanya lang. Ang alam natin na ang pinaggamitan ng tsinelas na laro ay sa tumbang preso kung saan ay babatuhin mo ng tsinelas ang lata. Pero sa kanya pinagsabong niya na siya rin naman ang may kontrol kung ano ang papanalunin niya. Ang pang-kaliwa ba o pang-kanan na tsinelas? Well, gusto lang sigurong ma-entertain ni tatang ang mga tao sa sabungan.
Panoorin ang video:
COMMENTS