May mga manok talaga na salbahe. Kapag ganito ang alaga mo tiyak na puro tuka o palo ang papal...

May mga manok talaga na salbahe. Kapag ganito ang alaga mo tiyak na puro tuka o palo ang papaluin mo. Kapag ganito ay delikado rin itong ilaban sa ruweda dahil imbes na ang kalabang manok ang puntiryahin ay tao ang pagbabalingan nito.
Ano nga ba ang magandang gawin kapag salbahe ang manok? May pictures ang isang kasabong na gumawa ng improvised tools para mahawakan niya ang kanyang manok na salbahe. Ginawan niya ng helmet ang manok kung saan ay matatakpan ang tuka ng manok para nga naman di ito makatuka. Ang isa ay gawa sa tela at ang pangalawa naman ay parang gawa sa alambre. 'Di ba't napaka-witty mga kasabong? Puwede n'yo rin itong gayahin kung mayroon kayong salbaheng manok.
COMMENTS