Maraming netizen ang namangha nang kumalat ang mga larawan at video ng isang manok na kakaiba ang kulay....

Maraming netizen ang namangha nang kumalat ang mga larawan at video ng isang manok na kakaiba ang kulay. Kulay asul kasi ito na 'di mo karaniwang nakikita sa mga farm o sabungan. Ipinaskil ito sa page na Discover Earth na mayroon nang mahigit isang milyong followers.
Pero marami ang nagduda kung totoo nga ang kulay ng manok. Tininahan lang daw ito. Meron din kasing mga manok na kinukulayan na makikitang inilalaban sa sabungan. Pero mayroon din namang nagsasabi na mayroon talagang blue chicken. Mayroon pa ngang doble kara, ang kalahati ay kulay pula at ang kalahati naman ay puti.
Kayo na lang ang bahalang humusga kung totoo nga ba ang kulay ng manok o kinulayan lang.
COMMENTS